Nais naming tanggapin nang may kagalakan ang lahat na nagnanais na malaman ang tungkol sa mga Aparisyon ng Pinakabanal na Birheng Maria at ang mga kaganapang buhat sa langit sa Sagradong Lugar ng Lentisco sa El Palmar de Troya, na nagsimula sa taong 1968.
Gayundin, nais naming linawin na ang tunay na Simbahan ni Kristo ay nawala na sa Roma noong ika-6 ng Agusto, 1978, at buhat doon ay inilipat sa El Palmar de Troya, sa pagkakapili kay Papa San Gregoryo XVII bilang Bikaryo ni Kristo, direktang pinili ng Ating Panginoong Hesukristo.
Si Clemente Dominguez y Gomez, na sa bandang huli ay Papa Gregoryo XVII, ay ang prinsipal na tagapagtanggap ng mga mensahe buhat sa langit na ibinigay sa Sagradong Lugar na ito, subalit maliban sa kanya, ang Langit ay nagsagawa ng maraming mga himala at mga kaganapan buhat sa langit sa pamamagitan ng maraming iba pang mga tao bilang paghahanda at patunay sa katotohanan ng mga Aparisyon sa El Palmar de Troya. Sa iba pang kaalaman