Ang mga Madre ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha
Walang pag-iimbot na mga kaluluwa, dedikado sa pagtupad sa kalooban ng Diyos sa lahat ng sandali, kinakalimutan ang kanilang mga sarili na may matayog na layuning magligtas ng mga kaluluwa ng ibang tao. Ang kanilang mga buhay ay mahigpit na disiplina at ang kanilang kaligayahan sa pagsilbi sa Diyos ay hindi ganap na maunawaan ng mundo. Ang mga taong kaunti ang pananampalataya ay kinokonsiderang sinasayang nila ang kanilang mga buhay subali’t sa pagsilbi kay Hesus at kay Maria ang banal na mga babaeng ito ay nakakakamit ng kaligayahan dito sa Mundo at nakasisiguro na sila, kung sila ay magsigasig, sa Langit nang walang hanggan.
Ang gawain ng Palmaryanong mga Madre
Kabalikat ng kanilang buhay ng panalangin na iniaangat ang mga kaluluwang ito sa buhay ng pagmumuni-muni at sa malapit na pakikiisa kay Hesus at kay Maria, ang mga madre sa kumbento ng El Palmar de Troya ay gumagawa ng mga gawaing masyadong artistiko ang halaga sa pamamagitan ng kanilang mga kamay. Ang kanilang mga burda ay napakaganda at mahihirapan nang labis para makatagpo ng mga yari sa kamay na may kaparehong perpekto at ganda sa labas ng Palmar. Tingnan ang mga burda.
Iniimbitahan para pumunta sa aming Banal na Orden
Tatanggap kami ng mga madre galing sa ibang mga orden na nais na mapabilang sa Tunay na Simbahan at hindi para lituhin ang romanong simbahan, subali’t dapat nilang malaman na ang buhay ng aming mga relihiyoso ay katulad ng sa reporma ni Santa Teresa ni Hesus. Sa kumbento ay walang telebisyon, o internet o mga panahon ng bakasyon at napakaraming sakripisyo. At saka, dapat kayong maging handa nang buong puso na talikuran ang modernismo na ipinasok sa romanong simbahan. Gayunman, ang talagang matatagpuan ninyo ay ang Diyos. Madalas na sinasabi ni Santa Teresa na ang Diyos lamang ay sapat na. Ipinaaalaala naming ang imbitasyong ito ay ginawa na noong mga nagdaang taon ng Ating Panginoon sa mga mensaheng galing sa langit na ibinigay sa El Palmar de Troya.
Ika-28 ng Septyembre 1973
(Sagradong Lugar ng Lentisko sa El Palmar de Troya. Ang Ating Panginoon ay nagpakita kay Clemente Dominguez at ibinigay sa kanya ang sumusunod na Mensahe:)
At kayo, mga Madre: Lumayo kayo sa mga kapelyan (chaplains) at espiritwal na mga director na hindi kayo tinuturuan ayon sa Banal na Tradisyon at sa Dalubhasang Turo ng Simbahan!
Pagdudahan ninyo ang gayong mga doktrina, dahil mas malamang ang mga ganoong doktrina ay para ipagkait sainyo ang Katotohanan at ang Tunay na Pananampalataya. Subali’t huwag kayong maalarma, dahil mas malalang mga panahon ang darating.
Ika-31 ng Mayo 1977
Ang Pinakabanal na Birheng Maria ay nagbigay ng sumusunod na Mensahe:
Gaano Ko kamahal ang ginigiliw at pinakamamahal Kong mga anak, ang mga Madre ng Carmelita ng Banal na Mukha! Anong ganda! Ang mga Anghel ay puno ng kaligayahan, ay nakikilahok sa maliliit na mga Madreng ito kapag naririnig nila silang nagdarasal sa Sagradong Lugar na ito. O ang ganda nitong mga Madre ng Carmelita ng Banal na Mukha!