Ang mga Aparisyon ng Knock – Iglesia Catolica Palmariana

Ang Mga Aparisyon ng Knock

Sa Knock (‘Cnoc Mhuire’ sa Gaelic, ‘Burol ni Maria’), sa Probinsiya ng Mayo, sa kanluran ng Irlanda, ang Pinakabanal na Birheng Maria, Pinakabanal na Jose, San Juan Evangelista at ang Ating Panginoong Hesukristo bilang Kordero ng Diyos, lahat ay nagpakita sa labinlimang mga tao.

Iyon ay hindi ordinaryong araw; sapagka’t nang araw ding iyon, ika-21 ng Agosto 1879, si Papa San Leo XIII ay pormal na iginawad ang kanonikal na koronasyon sa imahen ng Ating Birhen sa Kanyang Basilika sa La Salette. Ang pagkakataong ito ay nagpapahiwatig ng isang relasyon sa pagitan ng Knock at ang Mensahe ng La Salette, kung saan ang Birheng Pinakabanal ay naghula noong 1846 ng taggutom at kakulangan ng patatas sa buong Europa, subali’t higit sa lahat sa Irlanda, kung saan mahigit isang milyon ang namatay sa pagitan ng 1845 at 1850.

Sa Knock nang Huwebes na iyon ika-21 ng Agosto 1879, ay mabagyo ang gabi sa pagtatapos ng Irlandes na tag-araw. Tulad ng dati, si Maria Beirne, ang babaeng tagapamahala sa maliit na Simbahan, ay ikakandado na ang pinto. Subali’t may isang espesyal na bagay ang tumawag sa kanyang pansin: isang matinding liwanag na nanggagaling sa isang panig ng gusali, at doon sa unang tingin, ay parang nakita niya ang mga istatuwa ng Pinakabanal na Maria, ni San Jose at ni San Juan, sa tabi ng bagong Altar na kung saan ay may isang Kordero at isang malaking Krus. Hindi niya ito gaanong binigyang pansin, dahil eksakto isang mabagyong gabi tulad ng isang ito noong nakaraang taon, dalawang mga istatuwa ang nasira, kung kaya inisip niya na ang Pari ng Parokya ay binili ang mga iyon bilang kapalit. Pero, bakit iniwanan ang mga iyon sa labas sa malakas na ulan na ito? – tanong ng babae sa kanyang sarili.

Hindi nagtagal, kasama si Maria McLoughlin, siya ay bumalik para tingnan ang nakapagtatakang ito nang mas mabuti, at mas may malaking pagkatuliro ay napagtanto na ang mga istatuwa… ay gumagalaw! Ang Birhen! – ang sigaw ng isa sa kanila, at tumakbo sila para sabihan ang kanilang pamilya at mga kaibigan. Labintatlong tao ang sumama sa kanila para makumpleto ang grupo ng labinlimang mga saksi na mga basehan ng mga testimonya na nais iwanan doon ng Diyos.

Ganito kung paano ang napakapambihirang Aparisyong ito ay nagpakita sa buong katotohanan nito: ang buong panig ng pader ng Simbahan ay naliliwanagan ng isang napakatinding liwanag na nakikita mula sa malayo. Ang mga pigura ay nakalutang sa hangin ng kalahating metro mula sa lupa. Si Maria, ang pinakamalaking pigura, ay nadadamitan ng isang puting kulay na manta at may isang mahabang belo mula sa ulo hanggang sa mga paa. Ang mga saksi ay inilarawan ang Pinakabanal na Birheng Maria na napakaganda: may suot Siyang puting kapa na nakakabit sa kwelyo. Sa ibabaw ng Kanyang ulo na natatakpan ng belo ay isang makislap na katangi-tanging korona. Ang korona ay may gintong liwanag; subali’t mas lalo pang maningning ang pambihirang pagkaputi ng Kanyang damit. Ang itaas na bahagi ng korona ay parang serye ng kumikislap na mga krus. Sa pagitan ng korona at gilid ng belong suot Niya ay kumikislap na rosas. Siya ay taimtim na nagdarasal, ang mga mata ay nakataas sa Langit, ang mga kamay ay nakataas kapantay sa balikat sa pagdarasal, tulad sa mga kamay ng isang Pari sa tradisyonal na Misa, at ang Kanyang paningin, ukupado sa pagdarasal, ay nakatingin patungo sa Langit.

Ang Pinakabanal na Jose, ay nadadamitan din ng puti, nasa bandang kanan ni Maria, ang kanyang ulo ay nakatungo sa Kanya at ang mga kamay ay magkasama, nagdarasal din. Si San Juan Evangelista ay nakasuot ng mitre ng isang Obispo at mahabang damit, at nasa bandang kaliwa ni Maria. Ang kanyang kanang kamay ay nakataas at sa kanyang kaliwa ay may hawak na parang isang Banal na Bibliya. Sa kaliwa ni San Juan ay may isang Altar at sa itaas nito ay isang Kordero, at isang Krus ang nakatayo sa ibabaw ng Altar sa likod ng Kordero. Ang Altar na may Kordero at Krus ay napapaligiran ng mga anghel, paikot.

Habang ang grupo ay nakaluhod sa harap ng Aparisyon sa taimtim na panalangin, ang mga bisita mula sa Langit ay nanatiling tahimik. Walang ni isa mang salita ang sinambit. Ang mga saksi sa Aparisyon ay nanatili sa labas sa buhos ng ulan sa loob ng dalawang oras na nagdasal ng Rosaryo. Nang ang Aparisyon ay nagsimula ay takipsilim; nguni’t sa kabila ng dilim nang gabi na, ang mga saksi ay nagsabing nakikita pa rin nila ang mga pigura nang malinaw na malinaw, ang kulay ay maihahalintulad sa kumikislap na puting liwanag. Ang lupa sa ilalim ng mga pigura ay nanatiling tuyo sa loob ng Aparisyon, kahi’t na ang hanging habagat ay umihip. Gayunman, pagkatapos ng Aparisyon, ang lupa ay naging basa at ang pader ay madilim. Ang ibang mga taga baryo, na wala sa Aparisyon, ay nagsabing nakakita sila ng nagniningning na liwanag na tumatanglaw sa paligid ng Simbahan.

Ang Aparisyon, sa sulok na ito ng Irlanda na tinamaan ng kahirapan at taggutom, ay isang simbolo ng pag-asa; aliw at lakas sa gitna ng kasawian, dahil ito ang lugar na kung saan ang kawalan ng trabaho at emigrasyon ang namamayani.

Ano ang ibig ipahiwatig ng Panginoon sa atin sa senaryong ito? Ang paliwanag at ang Mensahe ng Aparisyong ito ay nakabase sa Apokalipsis. Si San Juan ay may dalang libro sa kanyang mga kamay, at para madiskubre ang Mensahe ng Knock, ang Aklat ng Apokalipsis ay dapat pag-aralan. Ito ang aklat na naglalaman ng interpretasyon ng Kasaysayan ng Mundo. Ito ay puno ng malaking tema ng Pagtubos sa lahat ng bahagi nito. Naroon ang misteryo ng “Kordero na isinakripisyo mula sa simula ng mundo,” ang eternal na plano ng Pagtubos, na isinalarawan ni San Juan na inirepresenta ng Kordero sa ibabaw ng Altar na nakita sa Knock.

Ang Knock ay isang babala na ang isang parusa ay malapit na: Ang mga tasa ng Banal na Galit at iba pa ay inihayag sa Apokalipsis. Ipinapakita rin nito sa atin ang daan sa kaligtasan, at itinuturo ang pundamental na mga doktrina ng Simbahan para sa Apokaliptikong mga panahon. Kung sa Lourdes ang Pinakabanal na Birhen ay binigyang diin ang Dogma ng Kanyang Imakuladang Concepcion, sa Knock ay pinagtibay Niya ang Palmaryanong Turo: dahil sa ang Pinakabanal na Birheng Maria ay nagpakita bilang isang Reyna at bilang katuwang na Pari ni Kristo, sa aktong nag-aalay ng Banal na Sakripisyo ng Misa. Ang Pinakabanal na Jose, iniakyat sa Langit, ay naroon, tinuturuan tayo na magpitagan sa kanyang Pinakabanal na Esposa; at si San Juan Evangelista inihahayag ang nalalapit na pagsasakatuparan ng Apokalipsis. Ang Ating Panginoong Hesukristo ay nagpakita sa Knock, tulad ng sa Apokalipsis, bilang isinakripisyong Kordero, sa ganoon ay binigyang diin ang sentral na mga turo ng Palmaryanong Doktrina na nasa Treatise on the Holy Mass, kung kaya ang Aparisyon sa Knock ay isa pang pagpapatibay na ang tunay na Simbahan ni Kristo ay itong isa na ngayon ay nakakanlong sa mistikal na disyerto ng Palmar.

Ang Aparisyon ng Knock sa pangkalahatan ay tahimik, at lumalabas na walang ibinibigay na mensahe, nguni’t sa katotohanan ay hindi ganoon. May mga panahong ang katahimikan ay mas malinaw ang inihahayag kaysa sa mga salita. Dapat nating pag-aralang mabuti ang Aparisyon para matuklasan ang tahimik na mensaheng nakatago rito. Si Maria ay nagpakita kasama ang Kanyang esposo sa lupa, si San Jose, at kasama ang kanyang ampong anak, si San Juan Evangelista. Ang Birhen ay may suot na nagniningning na korona ng Reyna ng Langit. Ang isinakripisyong Kordero ay nagliliwanag sa gitna ng Altar, tulad ng nakita ni San Juan sa Apokalipsis, sa ibabaw ng Altar ng Langit.

Ang Knock ay isang Panawagan para sa panalangin at penitensiya, dahil ito ay nagbibigay diin sa kahalagahan ng Banal na Misa bilang pagpapanatili ng Sakripisyo ng Krus sa Kalbaryo. Ang Aparisyon sa Knock ay buod ng Treatise on the Holy Mass, kasama ang Isinakripisyong Kordero, ang Banal na Biktima sa Altar at sa Krus; si Maria ay naroon, katuwang na Biktima, Katuwang na Pari, at Tagapamagitan sa lahat ng mga Grasya; ang Maluwalhating Patriarkang San Jose ay naroon, Katuwang na Pari ni Maria at Unibersal na Tagapamagitan sa pagitan ni Maria at ng lahat ng ibang mga nilalang; Ang Pinakabanal na Jose ay hindi maaaring wala sa Gawa ng Reparasyon at Pagtubos, dahil sa bawa’t Misa ay kinakailangan niyang ibigay ang may hangganang mga sakripisyo ng Simbahan na iaalay, at pagpapanatili o pagsama; at ang Ministerial na Pari ay naroon, na sa Kalbaryo ay si San Juan.

Ang bawa’t Aparisyon ng Pinakabanal na Birhen ay may ibang kahulugan, na espesyal na hango sa bawa’t pangyayari at lugar. Siya, ipinadala ng Kanyang Anak, ay alam na alam ang ating mga pangangailangan sa bawa’t sandali ng kasaysayan. At sa kasong ito ay nais Niyang magpakita kasama ang Kanyang esposo sa lupa, si San Jose, at si San Juan Evangelista, disipulo na pinakamamahal ni Jesus at Niya.

Si Jose ay isang simbolo ng kabayanihan sa kabinian, at si Juan, isang katangi-tanging tanda ng ispiritwal na kataasan, ng pananampalatayang isinabuhay sa porma ng Pasyon at pagmamahal. Si Jose at si Juan magkaisa, isa bilang Birhinal na Ama ni Hesus at Birhinal na Esposo ng Ina ng Diyos, at ang isa ay bilang Pari, Obispo at Evangelista.

Subali’t ang Aparisyon ay naliwanagan din ng presensiya ng mga Anghel, bilang simbolo ng pagsama ng mga hukbo ng Diyos, nakapaligid at walang humpay na sumasamba sa Salita. Ang mga Anghel na nakapaligid sa Altar ay nagpapakita ng malaking pananampalataya at paggalang na dapat mayroon tayo kapag dumadalo sa Banal na Misa. Lahat ng mga ito ay malinaw na paalaala sa Apokalipsis at sa mga panahon na kung saan tayo ay nabubuhay.

Simula sa unang balita tungkol sa Aparisyon, ang mga peregrino ay patuloy na bumibisita sa Santuwaryo, at daang mga paggaling ang naiulat sa mga may sakit at mga baldadong nagsagawa ng paglalakbay. Ang katanyagan ng Knock ay gayon lumaganap sa mga baybayin ng Irlanda.

Ilang linggo makaraan ang Aparisyon, ang Arsobispo ng Tuam, si San Juan McHale, ay nagbuo ng isang Komisyon ng Imbestigasyon. Ang labinlimang mga testigo ay tinanong at ang komisyon ay nagbigay ng hatol na ang testimonya ng lahat, pinagsama-sama, ay mapagkakatiwalaan at kasiya-siya, kung kaya ang pagsamba ng mga mananampalataya ay hindi pinagbawal sa lugar, na sa pagdaan ng panahon ang baryo ay nagsimulang maging sentro ng peregrinasyon. Kinumpirma ng Komisyon na walang posibleng natural na dahilan, o kaya nagkaroon ng anumang pandaraya. Ang mga saksi ay nagpakita ng magandang loob sa lahat ng panahon, at ang kanilang mga testimonya ay hindi nagbabago. Walang anumang natagpuang salungat sa doktrina, kabaligtaran pa nga; ang kanilang kuwento ay may malalim na katuturang pangsimbahan. Noong 1936 isa pang komisyon ang nagtanong sa tatlong buhay pang mga saksi, at may kasiguraduhang napatunayan na ang kanilang ebidensiya ay tapat at mapagkakatiwalaan. Noong 1945 si Papa San Pio XII ay binasbasan ang bandila ng Knock at nagpalabas ng isang medalyang pangdekorasyon.

Ang lumang simbahan ay pinalakihan at naging isang Santuwaryo, at isang grupo ng mga imahen na nagrerepresenta ng senaryo ng Aparisyon ay inilagay malapit sa lugar ng pader ng lumang Simbahan kung saan ang Aparisyon ay naganap.

Mga Himala: Agad ay nagkaroon ng mga himalang paggaling sa mga bisita sa Santuwaryo, tulad ng mga nangyayari sa maraming ibang Marianong mga sentro, tulad ng Lourdes at Fatima. Sa paraang ito ang Diyos ay inilagay ang Kanyang sariling selyo ng katotohanan ng Knock, tulad ng lagi Niyang ginagawa at gagawin pa sa pamamagitan ng Kanyang makatotohanang mga gawa.

Sampung araw makaraan ang Aparisyon, ang unang paggaling ay naganap, iyong isang batang babaeng labindalawang taong gulang na may malalang kahirapan sa pandinig. Nagkuwento ang ina ng batang babae, “Pagkatapos ng Aparisyon, dinala ko si Delia. Habang kami ay nasa Simbahan, ang sakit sa kanyang tainga ay sumakit nang labis kung kaya siya ay umiyak. Noon ko siya dinala sa labas, sa pader, kumayod ng kaunting semento sa pader ng Aparisyon at inilagay iyon sa kanyang tainga . Simula noon ay hindi na siya muling nakaramdam pa ng sakit.” Ang kuwentong ito ay nagdala ng katakut-takot na dami ng mga peregrinong nagsiksikan sa Simbahan at nagsimulang masira ang pader ng Aparisyon, dahil kumukuha sila ng kaunting semento para sa pagpagaling at mga piraso ng bato bilang mga tagapagpagunita.

 Ang Pari ng Parokya ng Knock, na may pangalang arkdikon San Bartolomeo Louis Cavanagh, ay itinala ang mga detalye ng pambihirang Aparisyon ganoon din ang maraming mga himala at paggaling na naganap pagkaraan. Ang mga detalyeng ito ay inilathala at nagbunga ng malaking interes sa transendenteng mga kaganapan sa Knock, na hindii nagtagal ay naging mahalagang sentro ng peregrinasyon. Sa bandang huli ng 1880, mga tatlong daang mga paggaling, na parang mahimala, ang naitala na sa talaarawan ng Pari sa Parokya. Siya ay isang ‘Apostol ni Maria Imakulada at ng Kristiyanong Pagmamahal’, at ang kanyang araw ng kapistahan ay ika-8 ng Disyembre.

 Sa Marianong mga Aparisyon, ang kaso ng Aparisyon sa Knock ay kapansin-pansing kakaiba na namumukod tangi sa ibang mga aparisyon ng Birheng Maria. Ihahighlight namin ang ilan: Ang Birheng Maria ay hindi dumating nang nag-iisa. Siya ay nagpakita kasama ng Pinakabanal na Jose at San Juan, na may Altar na nakita rin, napapaligiran ng mga Anghel at sa ibabaw nito ay isang Kordero, at isang malaking Krus sa likod ng Altar. Sa Aparisyong ito ni ang Birhen o sino pa man ay hindi nagsalita. Salungat sa mas madalas na mga aparisyon ng Birhen sa ilang mga bata, sa pangkalahatan ay may kababaang loob at mangmang, sa kasong ito ang Aparisyon ay nakita nang tuloy-tuloy sa loob ng mga tatlong oras ng lahat na nagsimulang dumating doon, lahat ng edad, mula sa lima hanggang pitumpu’t lima, may total na labinlimang mga seers. Walang anumang malinaw na mensahe, ang Aparisyon mismo ay nag-uugnay sa maraming mga sipi sa Ebanghelyo at Apokalipsis, kinakailangang lubos sa Misteryo ng Reparasyon at Pagtubos, isinalarawan dito at sa Bibliya sa pamamagitan ng Kordero sa ibabaw ng Altar at ang pagsambit sa “Kordero ng Diyos”, na siyang isasakripisyo para sa mga kasalanan ng mga tao, at nag-uugnay sa Sakripisyo ng Lumang Tipan na ang Kordero ng Diyos para magpatawad ng mga kasalanan. At tungkol sa senaryong ito, unang pangyayari na isang malaking Krus ay nagpakita, na maliwanag na kumakatawan ng Reparasyon at Pagtubos.

Noong Agosto 1979, Sentenaryong buwan at taon ng Knock, si Papa San Gregoryo XVII ay bumisita sa sagradong lugar, sa ganoon ay kinumpirma ang Knock bilang isa sa prinsipal na Marianong mga Santuwaryo sa mundo. Ang pagbisita ni Papa San Gregoryo XVII sa Knock ay isinalarawan sa aklat ng kanyang mga Mensahe nang ganito: “Ika-6 ng Agosto 1979: Lunes. Irlanda. Unang Anibersaryo ng pagkakapili bilang Papa sa Kanyang Kabanalan Gregoryo XVII. Sa umaga kami ay umalis para bumiyahe patungo sa Santuwaryo ng Ating Birhen ng Knock, itinanghal na Dakilang Patrona ng Irlanda ng Kanyang Kabanalan Papa Gregoryo XVII noong ika-23 ng Nobyembre 1978, at ang sentenaryo ng Aparisyon ay ginugunita sa ika-21 ng buwan na ito. Ang Kanyang Kabanalan Papa Gregoryo XVII ay dumating sa Santuwaryong ito mga alas 3 ng hapon, at tinanggap ng maraming mga mananampalataya nang may pagbubunyi at palakpakan. Una ay binisita niya ang lumang Santuwaryo, at namuno ng isang misteryo ng Rosaryo Penitensiyal sa harap ng Imahen ng Birhen ng Knock. Kumanta kami ng ilang mga awit sa karangalan Niya, at sa bandang huli ang Santo Papa ay nagbigay ng Apostolikong Basbas, na kantada puno ng solemnedad. At siya ay tumuloy sa eksaktong lugar ng Aparisyon, kung saan ay may isang magandang Imahen ng Tituladong Birhen, ni San Jose at ni San Juan Evangelista na ang Apokalipsis ay nasa kanyang kamay. Doon ay inawit ang Magnificat, at sa huli ang Santo Papa ay muling nagbigay ng Apostolikong Basbas, solemneng kinanta. Ang lahat ng mananampalatayang mga deboto na pumuno sa Sagradong Lugar na iyon ay nagsigawan ng “Viva el Papa Gregorio XVII”, na may masigabong palakpakan para sa Kanyang Kabanalan. Marami sa mga tao roon, na hindi alam ang El Palmar ay lumapit at humalik sa singsing ng Santo Papa nang may buong paggalang. Kami ay bumalik sa Dublin, at pag-alas 11:30 ng gabi si Papa Gregoryo XVII ay nagdaos ng Banal na Misa sa aming Kapilya-Katedral sa lungsod na iyon. Sa loob ng Misa siya ay nagkaroon ng sumusunod na bisyon: Nakita niya ang Panginoon, ang Pinakabanal na Birhen, San Jose, San Pedro, San Pablo at San Pablo VI.”