Ang Kanyang Kabanalan Papa Pedro III, De Glória Ecclésiæ (Simula 22-4-2016 hanggang sa kasalukuyan)
Sa mundo, Markus Josef Odermatt, pagkaraan naging Obispo Padre Eliseo Maria. Siya ay ipinanganak sa Stans, Nidwalden, Switzerland. Siya ay galing sa angkan ni San Nicolas ng Flue, isang ermitanyo noong ikalabing limang siglo, pinagpipitagan sa Switzerland bilang Ama ng kanyang Bayan, na ang tanging pagkain sa loob ng dalawampung taon ay Banal na Komunyon, at siya ay nagtagumpay na palayain ang kanyang bansa sa mapanganib na digmaang sibil, at himalang tinulungan ang Switzerland na hindi madamay sa Una at Pangalawang Digmaang Pandaigdig. Ang Bandila ng Nidwalden Canton ay nakalarawan ang selyo ng papa na Susi sa Kaharian ng Langit para sa pagpupugay sa kanilang patron na si San Pedro Apostol. Si Obispo Padre Eilseo Maria ay lumahok sa Order of Carmeites of the Hoy Face noong 1985, at naging misyonero sa Timog Amerika sa loob ng labingwalong taon. Siya ay Kalihim ng Estado sa halos 5 taon, simula 2011 hanggang 2016. Si Papa Pedro III ay pinanatili ang bagong kalendaryo sa Banal na Araw ng Palmarian, na nagsisimula sa ika—20 ng Marso at natatapos sa paggunita ng Linggo ng Muling Pagkabuhay, sa ika-27 ng Marso; at ang ika-25 ng Marso, ang araw na kung saan ang Ating Panginoong Hesukristo ay namatay, ay laging sa Paggunita ng Biyernes Santo, kahit na ano pang araw ng linggo ito ay pumatak. Sa mundo ng pangkalahatang pag-aapostata, ang Kanyang Kabanalan Papa Pedro III, bilang Mabuting Pastol ng mga kaluluwa, sa paraan ng kanyang mga Apostolikong Sulat, ay matapang na ipinaglalaban at inihahayag ang Sakrosanto o Pinakabanal na Doktrina at Morals, sa paraang ito ay nilalabanan ang mali at iba pang pagkabulok ng moralidad.