ISA, BANAL, KATOLIKO, APOSTOLIKO AT PALMARYANONG SIMBAHAN
Ang Katolikong Simbahan sa lahat ng panahon,
itinatag ng Ating Panginoong Hesukristo
Lehitimong Pagsasalin ng Trono ni San Pedro
Pinamumunuan ng Kanyang Kabanalan Papa Pedro III,
De Glória Ecclésiæ
Ang Katolikong Simbahan sa lahat ng panahon, itinatag ng Ating Panginoong Hesukristo. Lehitimong Pagsasalin ng Trono ni San Pedro. Pinamumunuan ng Kanyang Kabanalan Papa Pedro III, De Glória Ecclésiæ
Tanging ito lamang ang opisyal na website ng Isa, Banal, Katoliko, Apostoliko at Palmaryanong Simbahan, inaprubahan ng Padre Heneral ng Orden ng Carmelitas ng Banal na Mukha, Ang Kanyang Kabanalan, Papa Pedro III. Sa anumang higit pang pag-imbestiga o pag-aaral tungkol sa Palmaryano Katolikong Simbahan kinakailangan lamang na pumunta sa social media accounts na awtorisado ng Palmaryano Katolikong Simbahan, na ang iba ay nakalink sa ilalim ng pahinang ito. Ang karamihan sa ibang mga publikasyon sa internet ay nagkukulang sa anumang katotohanan at magiging nakalilito at hindi tiyake. Magbasa pa
Nais naming tanggapin nang may kagalakan ang lahat na nagnanais na malaman ang tungkol sa mga Aparisyon ng Pinakabanal na Birheng Maria at ang mga kaganapang buhat sa langit sa Sagradong Lugar ng Lentisco sa El Palmar de Troya, na nagsimula sa taong 1968.
Gayundin, nais naming linawin na ang tunay na Simbahan ni Kristo ay nawala na sa Roma noong ika-6 ng Agusto, 1978, at buhat doon ay inilipat sa El Palmar de Troya, sa pagkakapili kay Papa San Gregoryo XVII bilang Bikaryo ni Kristo, direktang pinili ng Ating Panginoong Hesukristo.
Si Clemente Dominguez y Gomez, na sa bandang huli ay Papa Gregoryo XVII, ay ang prinsipal na tagapagtanggap ng mga mensahe buhat sa langit na ibinigay sa Sagradong Lugar na ito, subalit maliban sa kanya, ang Langit ay nagsagawa ng maraming mga himala at mga kaganapan buhat sa langit sa pamamagitan ng maraming iba pang mga tao bilang paghahanda at patunay sa katotohanan ng mga Aparisyon sa El Palmar de Troyaa. Sa iba pang kaalaman
Ang Kanyang Kabanalan Papa Pedro III.
De Gloria Ecclésiae (Simula 22-4-2016 hanggang sa kasalukuyan) Sa mundo, Markus Josef Odermatt, pagkaraan naging Obispo Padre Eliseo Maria. Siya ay ipinanganak sa Stans, Nidwalden, Switzerland. Siya ay galing sa angkan ni San Nicolas ng Flue, isang ermitanyo noong ikalabing limang siglo, pinagpipitagan sa Switzerland bilang Ama ng kanyang Bayan.






