Santa Teresa ng Batang Hesus – Iglesia Catolica Palmariana
Sta-Teresita-371-kb

Mga mensahe buhat sa Langit na ibinigay kay Clemente Dominguez y Gomez, ngayon Papa San Gregoryo XVII, ang Napakadakila ni Santa Teresa ng Batang Hesus

Ika-12 ng Disyembre 1969
Santa Teresa ng Batang Hesus at ng Banal na Mukha

(Sinabi niya kay Clemente Dominguez:) “Aking mga anak, sa bawa’t paghalik ninyo sa Banal na Mukha ni Hesus ay sasabihin ninyo ‘Kaibig-ibig na Mukha ng Ating Panginoong Hesukristo, hamak na inalipusta ng aking mga kasalanan, bigyan mo ako ng lakas para ipagtanggol ka ng aking buhay.’”

Ika-4 ng Enero 1970
Sagradong Lugar ng Lentisko sa El Palmar de Troya. Mga Aparisyon at mga Mensahe kay Clemente Dominguez:)
Santa Teresa ng Batang Hesus at ng Banal na Mukha

“Lahat ng nagtataglay ng pangalang ‘ng Banal na Mukha’ ay mamamatay sa kabanalan, sa grasya ni Hesukristo at sa pamamagitan ni Maria, na inyong Ina.”

Padre Pio ng Pietrelcina

“Aking anak, tularan ninyo ang dakilang mga sumasamba sa Banal na Mukha, at higit sa lahat, si Teresa ng Batang Hesus at ng Banal na Mukha nang higit sa lahat. Kung kaya siya ay umuukupa ng nakatataas na lugar sa tabi ni Hesus.”

Talambuhay ni Santa Teresa ng Batang Hesus
at ng Banal na Mukha

Ika-30 ng Septyembre

Huwaran ng Kabanalan na walang mistikal na kababalaghan. Relihiyosa. Doktora (ng Simbahan). Biktimang Kaluluwa.Apostol ng Banal na Mukha at Inspirasyon ng Pangmisyonerong Espiritu. Ipinanganak sa Alenςon, Orne, Pransya, noong ika-2 ng Enero 1873, ang kanyang mga magulang ay sina San Luis Jose Martin at Santa Celia Martin nee Guerin, parehong kinanonisa ni Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila. Siya ang bunso sa siyam na magkakapatid, ang apat ay namatay nang sila ay mga bata pa. Ang unang mga taon ng kanyang buhay ay natatampukan ng kaligayahan at init ng pamilya sa tahanan, pinangangalagaan ng kanyang mga magulang at apat na nakatatandang mga kapatid: Paulina, Maria, Leonia at Celina. Noong ika-28 ng Agosto 1877 ang kanyang ina ay namatay, at ang bunso ay naging malapit sa kanyang kapatid na si Paulina, pinili niya bilang ina. Pagkatapos ang buong pamilya ay lumipat sa Lisieux, kung saan noong ika-2 ng Oktobre 1882 ang kanyang kapatid na si Paulina ay pumasok sa Discalced Carmelites.

Si Santa Teresa, buhat sa edad na tatlong taon, ay gumawa ng resolusyon na hindi tatanggihan ang Diyos ng kahit na ano, at ginawa ang lahat para malaman at gawin ang Kanyang banal na kalooban. Bawa’t gabi si Santa Teresa kasama ang kanyang ama ay naglalakad-lakad at dumadalaw sa Pinakabanal na Sakramento sa iba’t-ibang simbahan. Isang araw, habang sila ay nasa kapilya ng kumbento ng ‘Discalced Carmelites’ sa Lisieux, ay sinabihan siya ng kanyang ama: “Nakikita mo, aking reyna? Sa kabila ng mga barandilyang iyan ay may banal na mga Relihiyosa na laging pumupuri sa Diyos.” Buhat noon ay nakaramdam na siya ng malakas na naisin na ikonsagra ang kanyang sarili sa Diyos sa Carmel. Gayunman, ang lahat ay laging pareho ang sagot na ibinibigay sa kanya. “Napakabata mo pa.” Noong 1887, sa edad na labing-apat na taon, ay sinabihan niya ang kanyang ama ng kanyang desisyon na maging isang Carmelita, at sinuportahan niya ang kanyang banal na aspirasyon. Nang taon ding iyon, si Santa Teresa ay tumungo sa Roma sa isang perigrinasyon kasama ng kanyang ama at ibang mga kamag-anak, para sa selebrasyon ng ika-limampung taong Ordinasyon bilang Pari ni Papa San Leo XIII ang Dakila. Sa pagharap ng Soberanyang Papa sa madla, nang si Santa Teresa ay nakaluhod sa paanan niya, ay lakas-loob na tinanong siya: “Pinakabanal na Papa, sa karangalan ng inyong anibersaryo, payagan ninyo akong pumasok sa Carmel sa edad na labinlima.” Ang Bikaryo Heneral ng Lisieux, ang giya ng mga perigrino sa okasyong iyon, ay sinabi sa Papa, “Ito ay ang batang nais pumasok sa Carmel.” Ang Soberanyang Papa, ay yumuko na halos dumikit na sa mukha ng bata ang kanyang ulo, ay nagsabi sa kanya: “Anak, papasok ka kung iyon ang nais ng Mabuting Diyos.” Nagpumilit pa si Santa Teresa, hanggang maingat na hinawakan siya ng dalawang guwardya sa mga bisig at inilayo. Pagkatapos na basbasan siya, ay matagal na tiningnan siya ng Santo Papa.

Pagbalik sa Lisieux, ay ibinigay sa kanya ang permiso sa kabila ng kanyang edad, at noong ika-9 ng Abril 1888, si Santa Teresa ay pumasok ng Carmel. Ang sabi niya mismo sa kanyang sarili: “Ang lahat sa kumbento ay magiging maganda para sa akin. Pumasok ako doon para magligtas ng mga kalululwa, at higit sa lahat ay para ipagdasal ang mga Pari.” Noong ika-10 ng Enero 1889, ay natanggap ng Santa ang Abito ng Carmelita. Nang matapos ang kanyang nobisyado ay ginawa niya ang kanyang propesyon noong Ika-8 ng Septyembre, 1890. Ang buhay ni Santa Teresa sa Carmel ay natatampukan ng dakilang katapatan sa Banal na mga Patakaran. Siya ay may malaking kapasidad para sa pagmamahal, at ginagawa ang ordinaryong bagay nang may ekstraordinaryong pagkaperpekto. Malalaking interior na mga pagsubok at mga pagdurusa sa araw-araw na buhay ang nagtulak sa kanyang kabanalan. May pagtitiyaga at sipag ay naisasakatuparan niya ang mga gawaing binibigay sa kanya sa komunidad. Noong 1893, si Santa Teresa, pinagkalooban ng personalidad bilang isang nasa tamang edad, ay inilagay sa pamamahala ng mga nobisyado. Nang taong 1894 ay namatay ang kanyang ama, sa tulong ng kanyang anak na si Celina, na sa bandang huli ay pumasok din sa Discalced sa Lisieux. Noong 1895, si Santa Teresa ay nagsimulang magsulat ng mga alaala ng kanyang mga unang buhay sa utos ni Madre Agnes ni Hesus, ang pangalan sa relihiyon ng kanyang kapatid na si Paulina.

Noong Biyernes Santo 1896, si Santa Teresa ay natulog na pagod na pagod. Hindi nagtagal ay umubo siya ng may dugo sa unang pagkakataon. Dahil sa pagpepenitensiya ay hindi na niya inilawan ang kanyang lampara; subali’t kinabukasan ay naberipika niya na ang kanyang panyo ay tigmak ng dugo. Kahit na may tuberkolosis siya sa mga baga, ay patuloy pa rin siya sa kanyang gawain. Isa sa pinakamalaking paghihirap ng Santa ay ang lamig. Sa mga gabi ng taglamig ang kama ay mayroon lamang isang kumot bilang takip, at hinahayaan niyang lumipas ang magdamag na siya ay nanginginig sa lamig na halos dumating sa puntong sa pakiramdam niya ay mamamatay na siya. Samantala, tiniis niya rin, sa katahimikan, ang lumalalang panghihina ng kanyang katawan dahil sa karamdaman. Noong ika-8 na Hulyo 1897, siya ay kinailangang ilipat sa pagamutan, at nang dumating ang taglagas ay naramdaman niyang ang kanyang buhay ay unti-unting nanghihina. Ang nars ay lagi siyang nakikitang magkadikit ang mga kamay at ang mga mata ay nakatingin sa Langit, at isang araw ay tinanong siya: “Bakit ganyan ang ginagawa mo?” At ang Santa ay sumagot: “Kinakausap si Hesus.” “Ano ang sinasabi mo sa Kanya?” giit ng nars. At sumagot siya: “Wala akong anumang sinasabi sa Kanya. Mahal ko Siya.” Bago siya mamatay ay nangako siya na ilalaan niya ang kanyang Langit sa paggawa ng mabuti para roon sa mga nasa mundo, at inihayag ang pag-ulan ng rosas makaraang siya ay mamatay. Ang mga rosas ay ang maraming mga kumbersyon at himalang paggaling salamat sa kanyang pamamagitan. Si Santa Teresa ng Batang Hesus at ng Banal na Mukha ay namatay sa Discalced Carmel sa Lisieux, Pransya, noong ika-30 ng Septyembre 1897, na sumisigaw: O, Mahal ko Siya! Diyos ko mahal Kita!” Si Santa Teresa ng Batang Hesus at ng Banal na Mukha ay dakilang huwaran ng banal na pagkamasunurin at eksaktong pagsasagawa ng pang-araw-araw na tungkulin ayon sa Banal na Patakaran ng Relihiyosong Orden. Siya ay naghirap sa katahimikan, nabuhay nang hindi nagrereklamo, at sumusunod sa mga superior sa mga bagay na kahit ang mga iyon sa tingin ay kalokohan, subali’t ginawa ang mga iyon dahil nararamdaman niya ang boses ni Kristo kung ano ang sinasabi sa kanya. Inialay niya sa Diyos ang kanyang mga karamdaman para sa kumbersyon ng mga makasalanan. Masigasig niyang ninais na mabuhay ng libong mga taon para mapagsilbihan ang Diyos at ang mga kaluluwa nang mas mabuti. Alam niya na ang kanyang pagdaan dito sa mundo ay nag-ugat sa pagtalima sa kalooban ng Diyos. Dumaan siya ng teribleng kadiliman sa gabi o paghihirap ng kaluluwa, na kinaya niya sa pinakadakilang pananahimik, na walang anumang konsolasyon. Ninais niyang maabot ang kabanalan at ginawa ang kanyang paraan para makamtan ang Langit sa pamamagitan ng daang espiritwal na tulad sa isang sanggol, na ang ibig sabihin ay sa pamamagitan ng pagmamahal, ng pagtitiwala, pagpapabaya sa sarili para sa pagmamahal sa Diyos at ng pag-asa. Sa pinakaloob na kailaliman ng kanyang kaluluwa, si Santa Teresa ay naramdaman ang bokasyon bilang misyonero, na isinabuhay niya nang may ekstraordinaryong bisa sa loob ng Carmel sa paraan ng pagmamahal, pagdarasal at sakripisyo. Siya ay napakamatapat sa Banal na Mukha ni Hesus, na kinagigiliwan niya at ginagawan niya ng reparasyon sa pamamagitan ng kanyang mga dalangin at mga sakripisyo.

Idineklarang Banal ni Papa San Pio XI ang Dakila noong ika-29 ng Abril 1923. Kinanonisa ng parehong Papa noong ika-17 ng Mayo 1925. Idineklarang Doktora ng Simbahan ni Papa San Gregoryo XVII ang Napakadakila noong ika-7 ng Oktobre 1978.

Saint Teresa of the Child Jesus

Saint Teresa of the Child Jesus was a sublime model of holy obedience and of exact fulfilment of daily duty in accordance with the Holy Rules of the religious Order. She suffered in silence, lived without complaint, and obeyed the superioresses in things which might even seem foolish, but did them because she perceived the voice of Christ in what she was told. She offered to God her illnesses for the conversion of sinners. She ardently desired to live a thousand years to serve God and souls better. She knew that her passage through this vale of tears was rooted in the fulfilment of God’s will.

Posted by Carmelites of the Holy Face on Tuesday, September 29, 2020