IKA-39 ULAT SA WEBSITE NG BANAL NA PALMARYANONG SIMBAHAN

Para roon sa mga hindi pa gaanong alam ang kasaysayan ng Banal na Palmaryanong Simbahan, kinakailangang gunitain ang katauhan ni San Pablo VI, Martir ng Batikano. Bago namatay ang Dakilang Papa na ito ng Romano Katolikong Simbahan, siya ay minanipula at dinruga ng mga kaaway ng Simbahan. Nakapanghihinayang, siya ay hindi nagkaroon ng sapat na suporta mula sa mga Kardinal at mga Obispo upang mapanatiling matatag ang Katolikong Simbahan sa daang tinatahak nito simula nang inilipat ni San Pedro ang Simbahan sa Roma. Kahit na si San Pablo VI (Naging Papa simula 6-19-1963 hanggang 8-6-1978) ay tunay na Papa, napakarami sa kanyang mga Kardinal at mga Obispo ay hindi naging matapat sa Simbahan. Lahat ng uri ng mga erehya, mga Freemason, mga Komunista, at iba pa, ay naipasok sa Romanong…
Read More