Masayang Kinalabasan ng Palmaryanong Semana Santa 2019!

Filipino
Ika-20 ng Marso - Ika-27 ng MarsoMuli ang Walang Hanggang Awa at Probidensya ng Diyos ay naramdaman sa Masayang Palmaryanong Semana Santa 2019. Mukhang ang Panginoon ay inilihis ang ulan mula sa lupaing ito dahil sa may tiwalang pagsamo ng Kanyang Bikaryo, ang Kanyang Kabanalan Papa Pedro III. Anong gandang patunay ng Kanyang pagmamahal para sa kanyang mga anak! Dapat tayong muling magpasalamat sa Ating Panginoon at sa kanyang Pinakabanal na Ina para sa kahanga-hangang kinalabasan ng Banal na Pagsambang ginawa para sa kanilang karangalan at kaluwalhatian. Kapag tayo ay nagdarasal nang may tiwala at kababaang-loob ay nakatatanggap tayo mula sa Diyos ng hindi mabilang na mga grasya.Benerasyon sa Sagradong Imahen ng Ating Ina ng El Palmar KoronadaNoong ika-30 ng Marso ay naganap ang seremonya ng paghalik sa Sagradong Imahen…
Read More

Ang Palmaryanong Semana Santa 2019 ay Nagsimula Na!

Filipino
Ang Palmaryanong Semana Santa ay nagsisimula bawa’t taon sa ika-20 ng Marso at nagtatapos sa ika-27 ng Marso. Tuwing gabi ang Solemneng Prusisyon ay nagsisimula ng alas 9:00; ang mga pintuan ng Katedral ay nakabukas at ang martsa ng banda ay nagbibigay pugay sa Banal na mga Imahen. Matatagpuan ninyo dito ang tunay na Simbahan ni Kristo, ang Palmaryanong Simbahan; nagtuturo, nagpupuri at nangangaral tungkol sa Banal na Pasyon at Kamatayan ng Ating Panginoong Hesukristo gayundin ang Ispiritwal na Pasyon ng Kanyang Pinakabanal na Ina, ang Banal na Birheng Maria. Ang Pinakabanal na Ina ay ispiritwal na nakiisa sa lahat ng pagdurusang pisikal ng ating Manunubos, kahi’t sa pagpawis ng dugo, subali’t wala ni isa mang nakakita nito.
Read More

Pangatlong Ulat tungkol sa Web Page ng Palmaryano

Filipino
Ang mga bansang bumisita ng aming web page ay mas marami pa rin sa USA, Espanya at Brazil. Ang Espanya ay ibinigay ang unang puwesto sa Estados Unidos.Salamat sa Diyos at sa Kanyang Pinakabanal na Birheng Ina, sa ngayon ay mahigit isandaang mga bansa na ang bumisita ng aming web page, gayunman, sa pagsasabi nito ay hindi nangangahulugang nagkaroon kami ng maraming mga bisita mula sa bawa’t mga bansang ito, sa kabaliktaran, ang iba sa kanila ay bumisita lamang sa website ng kaunting beses.Ang mga bansang may pinakakaunting bumisita sa amin ay kinabibilangan ng Indonesia, Israel, Romania at China kasama ng iba, subali’t kahit na kaunti lamang ang mga bumisitang ito, kami ay nagagalak, dahil ito ay simula pa lamang.Ang mga Aleman ay lalong nagiging interesado sa pagkuha ng impormasyon…
Read More

Ikalawang Ulat tungkol sa Website ng Banal na Palmaryanong Simbahan

Filipino
Ang Palmaryanong apostolado ay kumakalat sa iba’t-ibang dako ng mundo. Ito ay patunay na hindi lamang sa bilang ng mga taong bumisita ng aming website, subali’t ng mahigit walumpung (80) mga bansang nakakita ng aming web pages sa buong mundo. Malalayong mga bansa at sari-saring mga kultura. Ang iba ay may napakakaunti o kaya ay walang Katolikong tradisyon sa buong kasaysayan ng Simbahan. Ang bagong hininga ng Espiritu Santo ay naglalakbay sa mundo para manawagan doon sa nais na malaman ang lokasyon ng Tunay na Simbahan upang maging kasapi ng Mistikal na Katawan ni Kristo.Ang mga bansang bumibisita sa atin nang madalas ay ang Espanya, sinusundan ng Estados Unidos. Humahabol at lumalapit araw-araw ay ang Brazil. Ang pang-apat ay ang Ireland at ang panglima ay ang Canada. Ang lungsod na…
Read More

Ulat Tungkol sa website ng Banal na Palmaryanong Simbahan

Filipino
Ulat tungkol sa website ng Banal na Palmaryanong Simbahan Mga tao buhat sa 44 na mga bansa bumisita sa aming website.Ang bansang may pinakamaraming bumisita ay galing sa Espanya sinundan ng Estados Unidos, tapos Brazil ang pangatlong puwesto at ang pang-apat na puwesto ay Ireland.Kami ay nakatanggap ng mga email mula sa iba’t-ibang mga bansa na nagpapakita ng masidhing interes sa Banal na Palmaryanong Simbahan. Sa karamihang mga kaso ang mga tao ay hindi alam ang tungkol sa simbahan magpahanggang ngayon.Kami, ang Palmaryanong Simbahan, ay nagagalak sa interes mula sa mga bansang hindi pa kami nagkakaroon ng kontak tulad ng Rusya, Ukraine, Kuwait at marami pang iba. Kami ay labis na nasisiyahan na makita kung paano ang Diyos, Isa at May Tatlong Pagkakaisa, ay ginagamit ang media na ito para…
Read More